
Ang Pinagmulan ng Cha Cha:
Ang sayaw na cha-cha na nagmula sa Cuba ay unang ipinakilala ng isang Cubanong kompositor na si Enrique Jorrin noong 1953. Kilala rin sa pangalan na “cha-cha-cha”, ito ay isinisayaw sa tugtog na cha-cha, na nagmula sa panbansang sayaw ng Cuba, “Danzon”. Naimbento and pangalan na “Cha-Cha” dahil sa tunog ng pagkaskas ng dalawang instrumento at ang pagkaskas ng mga paa ng mga mananayaw.
Habang ang tunog ng “Cha-Cha” ay nanggaling kay Enrique Jorrin, ang sayaw na “Cha-Cha” ay naisipan ni Pierre Zurcher Margolis, isang guro ng sayaw galling London at ang kasayaw niya na si Doris Lavelle. Noong 1950’s bumisita si Ginoong Margolis sa Cuba at napanood niya ang pagsayaw ng mga Cubano sa tugtog na cha-cha. Inuwi niya ang sayaw na ito sa England, at kasama ng tulong ng kanyang kasayaw na si Binibining Lavelle, naimbento niya ang sayaw na “ballroom cha-cha-cha”. Kahit nagmula ang sayaw sa tunog na cha-cha, ito ay maaaring maisayaw sa halos lahat ng musikang Latino, “pop” at “rock”.
May dalawang uri ng “Cha-Cha”: Ballroom” at “Cuban”. Ang “ballroom" na bersiyon ni Margolis at Lavelle ay may mabilis na tugtog, masigla at madaling unawain samantala ang Cubanong Cha-Cha ay mas-sensuwal at ang tunog ay mas-mahirap maunawaan.